Una sa Balita

‘Emong’ bumabayo sa Hilagang Luzon

By
0 6

Nararanasan na sa ilang lugar sa Hilagang Luzon ang pagbayo ng bagyong Emong.

Sa pagmo-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hu­ling namataan ang bagyo sa layong 520 kilometro ng Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 60 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 75 kilometro kada oras. Kumikilos ito ng pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Asahan na umano ang katamtaman hanggang sa minsang may kalakasan ang pag-ulan sa mga lugar na sakop ng 450 kilometrong diameter ng bagyo.

Tinataya ng PAGASA na ngayong umaga ay lalayo na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang natu­rang bagyo.