Una sa Balita

Emergency power kay PDu30 para lusawin ang BOC

By
0 6

Inilabas na ng House committee on ways and means ang resulta ng imbestigasyon nito sa korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng kontrobers­yal na pagkakalusot ng P6.4 bilyong shabu sa ahensya.

Nakapaloob sa 82 pahinang committee report na bibigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte para pansamantalang pamunuan ang BOC habang binubuo ang dalawang ahensya na siyang mangangasiwa sa ahensya.

Sa report ng komite na pinamumunuan ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, inirekomenda na magtatag ng Bureau Security Control na pangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government katuwang ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, Maritime Industry Authority, Philippine Coast Guard at iba pang law enforcement agencies.

Abante Hiring – IT dep

Itatatag din ang BOC Service na siyang manga­ngasiwa sa assessment and collection ng buwis sa mga kontrabandong papasok sa bansa para maiwasan na ang korapsyon at gusto ng komite na mabuo ang mga bureau na ito sa loob ng dalawang taon.

“Pending the transition, this committee recommends the immediate execution of the following measures; grand emergency power to the President pursuant to Section 23 (2) of Article VI of the Philippine Constitution,” rekomendasyon ng komite.

Bukod kay Faeldon, pinakakasuhan din ng komite ang mga dating opisyales ng BOC na sina Deputy Commissioner Gerardo Gambala, Directors Neil Anthony Estrella at Milo Maestrecampo, Atty. Mary Grace Malabed, Lambert Hilario, Vincent Philip Maronilla, Reiner Ragos at Alexandra Yap Ventura, Atty. Mandy Anderson, Althea Acas at iba pang consultant at contractual employees ng BOC.