Una sa Balita

Emergency kit ipinamahagi sa Makati City

By
0 947

Upang agad na matugunan ang kaligtasan para sa paunang lunas sa mga estudyante kapag may mga medical emergency, ipinamahagi ni Makati Mayor Abby Binay ang 39 Automated External Defibrillator (AED) sa Department of Education-Makati (DepEd-Makati) nitong Miyerkoles.

Ayon kay Binay, ang nasabing hakbangin ay bilang katuparan para sa pagtatatag ng ‘resi­lient communities’, na binubuo ng mamamayang may kakayahan na makaligtas sa anumang sakuna o kalamidad.

Mahalaga aniya ang portable defibrillator sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga nakakaranas nang biglang atake sa puso dahil makakatulong ito sa pagsasagawa ng CPR o cardio-pulmonary resuscitation.

Abante Hiring – IT dep

Ang portable defib­rillator ay ginagamit sa pag-revive ng pas­yente sa pamamagitan ng pagbibigay ng electric shock sa dibdib patungo sa puso.

Mayroon itong built-in computer na nagmo-monitor ng heart rhythm, at kung kinakailangan, magsasalita ang recor­ded voice upang ipaalam sa rescuer na kaila­ngan nang mabigyan ng electric shock ang pas­yente at magbigay ng direksiyon sa paggamit nito.