Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Embiid rumatrat ng 50 puntos

0 250

HUMAKOT ng 50 points si Philadelphia 76ers star Joel Embiid upang pamunuan ang koponan sa panalo, 123-110, laban sa Orlando Magic sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2021-2022 NBA regular season, Huwebes (Manila time).

Napantayan ni Embiid ang kanyang career-high na 50 points sa loob ng 27 minuto at nag-ambag pa ng 12 rebounds at dalawang assists para sa 76ers na akyat sa 26-18 win-loss card.

“My teammates just found me,” litanya ni Embiid. “And I did the rest.”

Matapos ang first half, angat Magic ng 10-puntos, 57-47, naagaw ng 76ers ang kalamangan sa third quarter, 94-80, papasok sa huling yugto.

Matapos bahagyang mabangko, pumasok muli sa fourth quarter si Embiid na nakuha ang kanyang ika-49 points mula sa dalawang free throws, 7:08 sa natitirang oras. Na-foul naman kinalaunan ang four-time All-Star ngunit isa mula sa dalawang free throw lamang ang kanyang naipasok.

“It’s all about playing the right way. The ball is always going to find me,” saad ng 7-foot big man. “These guys have a hell of a lot of trust in me, and they’re always looking for me.”

“And it doesn’t matter when. In any time of the game, the ball is going to find me,” dugtong pa ng Cameroonian cager.

Samantala, nag-ambag rin sa panalo ng 76ers si Tobias Harris na umiskor ng 21 points, Tyrese Maxey na may 14 markers at Georges Niang na kumana ng 10 puntos.

Sunod na makakaharap ng 76ers sa torneo ang kampo ng Los Angeles Clippers, Sabado. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.