Una sa Balita

Embiid nakisawsaw, Warriors binanatan

0 286

HINDI pa tapos ang 3-1 jokes patungkol sa Gol­den State Warriors.

Pinakahuli sa mga nambaterya sa two-time champions ay si Joel Embiid ng Philadelphia.

Pagkatapos ng 112-108 win sa Brooklyn Nets sa Game 4 ng Eas­tern Conference playoffs nitong Sabado, umangat ang 76ers sa series 3-1 at natanong si Embiid kung gaano kaimportante ang panalo.

Sagot niya: “We definitely don’t want to be in the situation like the Warriors two years ago.”

Siyempre, tinutumbok ni Embiid ang 3-1 lead ng Golden State sa Cleveland noong 2016 NBA Finals. Tinuhog ni LeBron James at ng Cavs ang sumunod na apat para agawin ang kampeonato 3-4.

May konek pa din ang 3-1 sa collapse ng Warriors sa Game 2 ng Western Conference playoffs ilang araw pa lang ang nakakaraan.

Lumamang ng 31 (3-1, okay?) ang Golden State pero hinabol at tinalo ng Los Angeles Clippers 135-131.

Pagkatapos ng laro, naglabas ng special shirts ang Breaking T-shirt para bateryahin ang Warriors sa ‘31’.

Hindi nagpahuli si Embiid, sumakay din sa trolls.

Pero nang sabihin ‘yun ay hindi pa siguro humuhupa ang adrenaline ni Embiid matapos magsumite ng 31 points at 16 rebounds sa panalo. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy