Una sa Balita

Embiid miron lang sa playoff opener

0 224

POSIBLENG hindi maglaro si Joel Embiid sa playoff opener ng Philadelphia dahil binabagabag pa rin ng nananakit na kaliwang tuhod ang big man.

Sinabi ni 76ers general manager Elton Brand na inaasahan nilang la­laro si Embiid sa postseason pero posibleng hindi muna isalang ang 7-foot center sa first game.

Naupo si Embiid sa regular-season finale ng Sixers kontra Chicago noong Miyerkoles, panlimang pagli­ban sa huling pito.

Nag-a-average si Embiid ng 27.5 points at 13.6 rebounds pero 14 na larong lumiban sapul noong All-Star break dahil sa injury o kaya ay nagpapahinga.
Toka ng Philadelphia, No. 3 seed sa East, ang No. 6 Brooklyn sa first round. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy