Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Embiid 50-50 sa Game 5

0 173

UMUWI ng Philadelphia ang 76ers na pipilay-pilay, bumalik ang pananakit ng kanang tuhod ni center Joel Embiid.

Hindi makatalon si Embiid, hindi maipasok ang mga tira sa second half ng 103-100 Game 4 loss ng Sixers sa Milwaukee na nagtabla sa Eastern Conference semis sa 2-2.

Day-to-day si Embiid bago ang Game 5 sa home court ngayong araw. Hindi na nag-ensayo ang Philly kahapon, dagdag araw para makapahinga ang big man.

Natagalan sa locker room si Embiid nang pumasok sa second quarter, nakabalik sa laro pero 0 of 12 na mula sa field sa second half. Tumapos pa rin siya ng 17 points at 21 rebounds.

Bumagal si Embiid, hindi rin nakapag-take charge sa dulo ang partner niyang si Ben Simmons bagama’t may 11 points, 12 rebounds at 9 assists.

May iniinda rin ang kamador ng Hawks na si Trae Young, balot ng tape ang balikat noong huli.

Hindi pumapasok ang mga tira, gumawa ng paraan si Young at namigay ng career high-tying 18 assists. Team-high pa rin ang 25 points ni Young kabilang ang floater na nagbigay sa Atlanta ng lead sa dulo. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.