Una sa Balita

Embalsamador ni Jee tumestigo

By
0 3

Malambot pa ang katawan at posibleng may d­­ala­wang oras pa lamang namamatay ang negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo ng dalhin ito sa Gream Funeral Homes noong Oktubre 18, 2016.

Ito ang nakasaad sa sinumpaang affidavit ni T­eofilo Macato Tarefe, embalsamador ng Gream Fune­ral Homes, 47 at taga Sitio Gulod, Bagbaguin, Caloocan City sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Enero 18.

Kinumpirma ni Tarefe na si Jee ang bangkay na kanyang inembalsamo noong gabi ng Oktubre 18 matapos ipakita sa kanya ang larawan nito.

Ang pag-embalsamo kay Jee ay ginawa niya matapos iutos ng kanyang Boss na si Gerardo Santiago, may-ari ng Gream Funeral Homes.