Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Elmo sobrang tigang sa babae

0 12,005

Habang may sariling pamilya na ang ex-girlfriend niyang si Janella Salvador, marami namang pinagkakaabalahan sa buhay ang ex niyang si Elmo Magalona kaya mukhang happy na naman sila pareho sa buhay nila.

Bumisita kasi si Elmo sa digital show ng Star Magic na “News ‘To Ko ‘Yan” kamakailan para i-kwento sa kanyang fans kung ano ang mga inaatupad niya ngayon.

Ayon kay Elmo, may bago siyang series na “Love On Da Move” na co-produced ng Star Cinema kung saan makakasama niya sa episode sina Elisse Joson at JC Alcantara. Makakasama rin daw sa series ang ilang talents ng Rise Artists Management ng ABS-CBN.

“It was refreshing for me kasi na-miss ko rin syempreng magpakilig,” sabi ni Elmo nang tanungin kung kamusta ang paggawa ng isang romance project.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero pagdating sa kanyang love life, mukhang hindi ganun ka-busy si Elmo dahil gusto raw muna niyang alagaan ang kanyang sarili.

“In terms of kilig, I’m able to get that in the form of self-love. Mas naging mindful and conscious ako about taking care of myself,” chika niya.

Bukod diyan, busy din siya sa pagsulat ng mga kanta dahil gusto raw niyang original ang mga ito pero hindi pa niya alam kung kailan ito mailalabas.

“I’ve been trying to write more. Actually meron ako dapat isa e, na bagong release, it’s a Tagalog song. Pero ‘di ko pa alam kung kelan ang release. I’m trying to make music na original,” kwento niya.

Hindi naman nakalimutan ni Elmo na pakiligin din ang kanyang fans dahil nag-effort siyang mag-sample ng ilang mga kanta bago natapos ang kanyang interview, na mapapanood pa rin sa YouTube channel ng Star Magic. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.