Una sa Balita

Elmo, nagparetoke ng ilong?

By
0 5
Elmo at Janella
Elmo at Janella

Sa mga naglalabasang kuwento­ sa Star Magic Ball, mukhang mas pinag-uusapan ito ngayon for some reasons. Kung noon ay pinag-usapan ito dahil sa ilang iskandalo na involved ang ilang talents nila katulad nina Coco Martin, Matteo Guidicelli, Jake Cuenca, o ang paglalasing ni Ellen Adarna at iwanan ang escort niyang si Ejay Falcon, iba naman ang sa taong ito na ginanap noong Sabado, September 30.

Unang pinag-usapan siyempre ang Star Magic dahil kay Sharon Cuneta. Matapos ang kanyang pag-emote sa social media dahil feeling niya ay hindi siya imbitado, pinanindigan nga ng megastar ang ‘di na niya pagdalo lalo at last mi­nute invitation na ang kanyang  natanggap.

Siyempre, dahil ‘pahabol’ na lang ‘yun, kahit sino naman ay hindi na aattend, devah? Si Sharon Cuneta man siya o hindi, noh!

Pinag-uusapan din ang ilang ‘tawid-bakod’ na drama ng ilang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez, Megan Young at Mikael Daez.

Si Janine ay tanggap ng ibang netizens dahil dyowa nga naman ito ni Rayver Cruz na isang berdaderong Star Magic talent.

Eh ang magdyowang Megan at Mikael? Well, naging Kapamilya rin naman si Megan bago pa siya naging Miss World, pero si Mikael ay solidong Kapuso actor.

Are we smelling­ some kind of ‘lipatan’ thing din dito? Who knows, devah?

Ang isa pang pinag-uusapan ay ang litrato ni Elmo Magalona with his rumored girlfriend na si Janella Salvador?

Ask ng isang netizen, “Nagpaayos ba ng ilong si Elmo?”

Kapag titingan nga raw nang husto ang feslak nito ay mukhang may pagbabago. 

Ayon naman sa iba, baka nga raw dahil sa ilaw ng kamera lang ito kaya ganun ang lumabas.

Well, curiosity kills a cat, pero ang usual, successful ang nasabing grand event  ng Star Magic.

Marlo Mortel, kayod-kalabaw para sa ina na may sakit 

Hinahangaan ang pagiging good son ni Marlo Mortel. Isa pala talaga itong ulirang anak sa kanyang may sakit na ina.

Matagal nang may sakit ang kanyang ina at ito ang dahilan kung kaya kayod-kalabaw ang ang singer-host. Basta, pagkakakitaan gora siya.

Halos nauubos na raw ang kabuha­yan ng kanilang pamilya dahil sa mala­king gastos sa pagpapagamot nito. Bale ang pinakaraket lang nito sa ngayon ay ang pagiging segment host  ng morning show na Umagang Kay Ganda. Wala pang kasunod ang pinakahuling teleserye na kanyang ginawa a few years back.

Pero ang pansin ng malalapit kay Marlo ay ang pagiging matatag at kalma lang ang pagtanggap nito sa sitwasyon. Ang importante, sa abot ng kanyang makakaya, hindi niya binibitawan ang kanyang ina.

Kudos sa kanya!