Una sa Balita

Elmo na-trauma kay Salvador

0 435

Malaking blessing para kay Elmo Magalona na may ­teleserye na siya ngayong 2020, ang A Soldier’s Heart, na pinagbibidahan din ni Gerald Anderson. ­Matagal-tagal na nga ring hindi nakita ng mga fan si Elmo na umaarte, at siyempre may kinalaman `yon sa nangyari sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Janella Salvador.

Marami nga ang namuhi kay Elmo dahil sa balitang kesyo sinaktan niya si Janella noon. At mula nga noon, hindi na napanood si Elmo sa teleserye.
“Napakalaking blessing talaga. At sana magtuloy-tuloy na,” sabi ni Elmo.
Sabi ni Elmo, nag-focus lang siya sa ­paggawa ng kanta, nu’ng panahong wala siyang ­masyadong ginagawang teleserye.

At sa tanong kung gugustuhin pa ba niya na magkaroon ulit ng panibagong ka-love team, hindi ang sagot ni Elmo. Mas gusto raw muna niya na gumawa ng mga ganitong project na tulad nga ng role niya sa teleserye nila ni ­Gerald.

Sa chikahan namin kay Elmo, parang ramdam namin ang pagkailang sa kanya, na parang ayaw na nga niyang mapag-usapan na muna ang tungkol sa mga ­babae. Parang may konting trauma sa kanya ang naglabasang balita noon. At para makaiwas nga, mas gugustuhin na niyang solo na lang muna ang kanyang career.” (­Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More