Una sa Balita

Elmo, Kiko, Jerome, Donny hindi na virgin

By
0 2,909

Sa kulturang Filipino, parang taboo pa rin talagang hingin ang opinyon ng mga babae sa usaping pre-marital sex. Observe na observe namin ito sa grand presscon ng ‘Walwal’, ang latest Regal Films movie offering na very youth oriented ang tema sa direksyon ni Joey Reyes.

Although feel naming may isasagot ang mga girl, pero parang mas nasanay na tayong sa mga lalaki na lang ito itanong nang diretso, lalo pa’t sa movie ay tinema nga ito.

Ang mga bidang lalaki ditong sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan, ay may kani-kaniyang paraan ng pagsagot, pero it all boils down to being responsible at paglagay sa isip nila ng magiging consequence ng action nila.

At nang merong magtanong kung ‘virgin’ pa ba ang mga ito, sabay-sabay pa ang mga ito sa pagtanong ng ‘saan?’ 

Kris wagi sa mga advertiser

Hayan na, nang dahil sa hanash ni Kris Aquino laban kay Mocha Uson, marami tuloy ang nagsasabing natalo nga si Kris sa puntong napaiyak ito, pero nanalo naman ito sa mga advertiser niyang tuwang-tuwa sa pagiging ismarte niya.

“Imagine, pati hair shampoo at lipstick, nai­singit pa niyang i-promote?” sey ng netizen.

Pero ang pinakanakakalokang observation at marahil ay puwedeng seryosohing suggestion ng mga nagmamasid na ‘natawa’ na lang sa hanash nina Kris at Mocha ay ang puntong dapat daw ay ikunsidera ng tinatawag na little president ng Malacañang ang gawing spokesperson o kahit best friend si Kris.

Kasi nga naman, mas bigla siyang pinag-usapan at nagkaroon ng libreng publicity nang dahil sa pagpagitna nito sa ‘isyu’ ng dalawang babae.

Alam na alam daw kung paanong puposisyon at aanggulo para magpapansin. Hahahaha!

Donny telegenic, witty

Malakas ang vibe naming magse-set ng bagong trend sa youth-flick ang ‘Walwal’.

Hindi lang dahil kilala at uso na among mga millennial ang term na may iba-ibang kahulugan pero sa movie ay mas positive ang turo nito, kundi dahil sa mga bidang wala kang itatapon hahaha!

Sana nga ay makaalagwa dito si Elmo dahil sa kanilang lahat, dahil siya ang pinaka-maituturing na senior.

Si Jerome naman ang masasabing lamang sa pag-arte dahil sa naging exposure nito sa drama, though hindi magpapahuli sa kanya si Kiko na nagkuwento pang napagdaanan na niya ang mga mature na role.

Ang very telegenic at witty na si Donny ay pa-humble muna pero dahil close friend daw ng nanay niyang si Maricel Laxa si Direk Joey, “inalalayan ako nang grabe at inalagaan”.

Ang mga girl naman sa movie ay sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sophia Senoron.