Elmo at Janella nauna sa billing ng “millennial stars” dahil senior

By
0 126

blood-crayons-castIlan sa mga press ang naintriga sa billing ng bagong movie ng Star Cinema, ang mga “millenial stars” ng ABS-CBN Star Magic na sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Jane Oineza, Maris Racal, Empoy at Ronnie Alonte.

At na, ang inilagay namin sa pangalan ni Ronnie dahil sa billing, napansin na sa kanilang lahat, si Ronnie ang tila lumalabas na pinaka-bida at may pinaka-espesyal daw na billing dahil si Ronnie ang may “and” sa pangalan.  

Habang sina Janella at Elmo naman ang nasa unahan.
Kaniya-kaniya ng bigay ng dahilan ang ilan sa press sa naging billing.  

Baka raw kasi dahil nakapagbida na si Ronnie.
Pero ang siste, ilang beses na rin nakapagbida ang ElNella.

Ang Head ng AdProm na si Mico del Rosario ang sumagot sa tanong.  
Aniya, “management decision. 

“`Yung pinaka-senior po came in first which is Elmo and Janella.  
“Sinasabi ko nga po sa mga bata, it’s not about the billing.”

Ang Bloody Crayons ay mapapanood na sa mga sinehan sa July 12 sa direksiyon ni Topel Lee. 

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...