Una sa Balita

Elmo hindi tumupad sa pangako sa nanay ni Janella

By
0 972

Galing na mismo sa bibig ni ­Jenine Desiderio na personal silang nagka­usap ni Elmo Magalona upang humingi ito ng paumanhin sa alleged­ly ay naging physical abuse nito sa kanyang anak na si Janella ­Salvador.

Tatlong linggo matapos nangyari ito, at personal ding umamin sa kanya ang kanyang anak sa nangyari, nag-text nga raw sa kanya ang Kapamilya actor kung puwede silang magkita at magkausap.

Pinagbigyan naman niya ito at pinag-usapan nila ang isyu, kung saan matapos mag-apologize ito sa kanya at manga­kong magpa-public apology, yet up to now ay wala pang kaganapang ganito.

Dahil nga raw rito ay marami ang nagtatanong sa kanya kung ipagla­laban ba niya ang nangyari sa kanyang anak sa ligal na paraan, pero ang naging sagot niya ay hindi pa niya ito masasagot sa ngayon.

Hindi rin niya itinanggi na maging si Janella ay nag-seek ng professional help para ma-overcome nito ang trauma na para nga naman sa lahat ay magandang paraan parang maging normal ulit ang pakiramdam niya sa kapaligiran.

Kahit nagkasama na ang ElNella sa Canada dahil previous commitment na nila bago pa man sumabog ang nasabing sakitan blues, mukhang it’s all for the show na nga talaga para sa dalawa.

Kailangan lang nilang gawin para hindi naman sila makasuhan din sa paglabag sa isang kontrata.
Korekek!