Una sa Balita

Ellen tinuluyan sa child abuse, cybercrime

0 1,678

Tatlong araw makalipas ang palugit ni Mrs. Myra Abo Santos na mag-public apology si Ellen Adarna sa ginawa niyang pagpu-post ng video, picture ng menor-de-edad na pinagbitangan niyang paparazzi, tuluyan na ngang isinampa ang laban sa dating sexy star.

Ang child abuse at cyber crime nga ang mga kasong isinampa ni Mrs. Santos laban kay Ellen sa OCP, sa Pasig City.

Pero, naaliw nga kami na parang nag-fiesta pa ang mga fan sa ginawang demanda na ito ni Mrs. Santos kay Ellen.

Parang hinintay talaga nila ito na mangyari.

Sabi ni @JustCallMeCasa, ‘ETO NAAAA!’

Say naman ni @loversLANE, ‘YEAHHH BOI HAHAHA OMG ayan na magra-rant nanaman yun using her IG.’

Sambit naman ni Noemi Jeremillo‏ @mityaphrodite, “Buti naman. I was waiting for this.”

Sabi naman ni Rose Madrilejo “Anda­ming nangyayari na ganyan.. Videos at pictures publicly, pero no need to stress out as long as ur not in private place or nakahubad.. Normal na if ever magpicture ng artista pag nasa labas kaya nga kung ayaw mo marecognize, kumain ka na lang sa more private place, take the risk, ganun naman lahat ng artista.. Ang lagay pag nagandahan pala kami or humanga, pagbibintangan pa. Kasama yan sa profession so ikaw ang maga-adjust.”