Una sa Balita

Ellen nakipag-inuman na

By
0 28

Biglang-bigla parang nagduda ang netizens kung buntis ba talaga si Ellen Adarna? Matapos nga ang sunud-sunod na chicka na kesyo maumbok na ang tiyan ni Ellen nu’ng huli siyang makita sa airport na kasama si John Lloyd Cruz, parang nag-iiba ang ihip ng hangin, ha!

Abante Hiring – IT dep

Sa Instgram stories kasi ni Ellen, medyo nagpapasilip na siya ng half body angle niya, at kahit nakaupo siya, o nakatakip ang tuhod niya sa bandang tummy niya, medyo makikita mo na hindi naman ganu’n kalaki ang part na ‘yon.

At ang isa pa sa mga dahilan kung bakit nagduda ang followers niya sa chicka na buntis nga siya, ay ‘yung IG stories ng mga kaibigan niya, na nagku-Korean dinner sila, happy-happy, at biglang nagtunggaan (small glass na may liquid na transparent) na pinaniniwalaan nilang soju o rice wine, na paboritong inumin na nakalalasing sa Korea.

Sabi nga, kung buntis ka, bawal na bawal ka sa ganu’n. So, hindi naman siguro maglalakas ng loob si Ellen na uminom ng soju kung buntis siya, ‘di ba?

Not unless palabas lang ‘yon, o tubig lang ang ininom niya, para lang makipag-cheers sa mga kasama niya.

Well, hanggang hindi pa nga nakikita si Ellen na malaki ang tiyan, at hindi sila nagsasalita ni John Lloyd na yes, buntis nga si Ellen, mahirap talagang kumpirmahin.

Eh sa IG video niya na nagsasalita siya, pero walang sound o naka-mute, kanya-kanyang hula ang followers niya sa kung ano ang sinabi niya. Pagalingan sa pagbasa ng bibig/labi.

Sabi ni sweetthrift, “Di daw siya preggy kay nag-inum soju gani sa IG story.”

Pero sabi naman ni magpalema “Ang basa ko sa bibig niya I’m pregnant already at Life is good?”

O siya, abang-abang na lang tayo sa mga susunod na kaga­napan, ha!