Una sa Balita

Ellen naka-move on na sa ‘hiwalayan’ kay Lloydie

0 557

Kasalukuyang nasa Europe pa rin si Ellen Adarna at nagliliwalil dito, gaya ng kanyang reply sa comment ng isang kaibigang nagyayayang magkita na sila.

Muling nagparamdam ang dating controversial actress nang i-post nito ang portrait black and white photo nito sa kanyang Instagram wall.

Base sa photo, hindi napingasan ang kagandahan ni Ellen kahit nanganak na siya at nawala sa showbiz.

Kung tutuusin mas lalo pa itong gumanda at mas naging blooming ang kanyang aura. Ito rin ang napansin at comment ng mga follower st supporters nito sa post niyang ito.

Tila naka-recover na si Ellen sa hiwalayan kay John Llyod dahil nakikipaghalakhakan na ang aktres sa mga kaibigang nagku-comment sa kanya.

Kung kailan magka-comeback sa showbiz si Ellen, ‘yun ang hindi pa niya sinasagot sa tanong sa kanya ng mga fan. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More