Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ellen mukhang mudra: Andrea mas pamatay ang kaseksihan ngayon

0 115

Sunud-sunod ang papuring natatanggap ni Andrea Torres sa Instagram, matapos niyang iposte ang latest sexy picture niya. Sa nasabing larawan ay hindi hubad si Andrea at hindi rin naka-bikini.

Lantad lang ang tiyan sa suot niyang mid-rib white sando at maong pants. Pero makikitang mas pinaangas pa ni Andrea ang pigura niya sa impis na tiyan na may abs.

Tila tinirya at gustong ipamukha ni Andrea sa lahat na hindi kawalan sa kanyang alindog ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay, dahil mas pinabagsik niya ang kaseksihan niya ngayon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parang nataon ang pagbabalandra ni Andrea ng kaseksihan niya sa pagsulpot ng balita sa landian umano nina Derek at Ellen Adarna.

Anyway, halos sambahin ng mga fan, kaibigan niya si Andrea dahil sa pamatay niyang kaseksihan.

Kahit ang mga beauty queen na sina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, ay mahihirapang tapatan ang pamatay na kaseksihan ni Andrea. Nagmukha nga raw ‘nanay’ ni Andrea si Ellen kung kaseksihan, kasariwaan ang pag-uusapan.

Hindi naman siguro, dahil super sexy at fresh pa rin naman ni Ellen ngayon, ha! (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.