Una sa Balita

Ellen maselan ang pagbubuntis

By
0 57

Unang sumabog ang tsikang may relasyon sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nang maglabasan ang kanilang IG posts, both video and pics, sa kanilang romantic rendezvous sa Bantayan Island nitong September.

Naging controversial din ito dahil sa isang video posts na lasing ang dalawa kasama ang ilang friends lalo na yung naka-dirty finger si Lloydie at yung may hawak pa itong kutsilyo.

Maging­ ang mga clingy pics nila together­ ay talagang pinag-usa­pan nang husto.

Sumunod nito ay ang bakasyon grande ng award-winning actor sa Europe para i-assess ang mga nangyayari sa kanyang buhay at career, pero marami nga ang nagulat na kasama niya rin pala doon si Ellen.

Ang halos tatlong linggong leave of absence ni Lloydie sa showbiz ay binalot naman ng sobrang pagmamahalan nilang dalawa base sa kanilang mga posts nitong October hanggang makita na nga lamang sila sa burol ng kapatid n Cong. Roman Romulo na ang ibig sabihin ay nakabalik na sila.

Sumunod nito ang mga posts pa rin ng kanilang ka-sweetan.

Hanggang sumabog na nga ang balita nitong nakaraan araw na buntis si Ellen, at siyempre si Lloydie ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Ayon sa balita, ang sexy star na mismo ang nagkumpirma nito sa kanyang mga kaibigan.

Sinabi nga raw niya ito sa kanyang mga kaibigan sa dalawang magkaibang okasyon.

At heto pa, maselan daw ang kanyang pagbubuntis.

Kaya, lahat ay nagduda na ito raw ang dahilan kung bakit napaaga ang kanilang pag-uwi mula sa Europe.

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit mag-isa lang pumunta si Lloydie sa New York upang umatend sa kasal ng kanyang kamag-anak.
Well, wala pa namang final confirmation sa magdyowa, kaya abanga­n na lang ang kanilang mga pasabog sa mga susunod na araw.

Anyway, pareho naman silang single, at nagmamahalan, so, walang problema dito, huh!