Una sa Balita

Ellen at John Lloyd, tuloy ang ligaya

By
0 4

Fake news ba ang tingin ni John Lloyd Cruz sa mga naglalabasang kuwento­ sa mga dyario, social media, tungkol sa kanila ni Ellen Adarna?

Para sa mga bashers, haters, o mga articles sa newspapers ang patutsada niya sa Instagram account niya, na kung saan ay makikitang sobrang happy sila ni Ellen Adarna na kumakain ng Korean food?

“F*ck fake news!” ang simpleng caption ni Lloydie sa photo nilang ‘yon ni Ellen.

Sa Instagram stories naman ni Ellen, makikita nga ang tuluy-tuloy na happiness nga nila ni John Lloyd. Unaffected nga sila sa mga naglalabasang tsika sa kanila. At hindi nga totoo na ‘hiwalay’ na sila, dahil obyus naman na masayang-masaya sila na magkasama.

Anyway, sa IG story ni Ellen na nakahiga at kasama niya si John Lloyd, ‘The Hangover From Hell’ lang ang caption niya. Kasunod ang video pa rin ng face niya lang na nilagyan niya ng caption na ‘Fast forward to tomorrow pls…’

Oh siya, hayaan na nga lang natin sina Lloydie at Ellen sa buhay nila. Sabi nga, kung saan kayo masaya, go lang nang go.

Maja Salvador at Pia Wurtzbach
TARAYAN, BENTANG-BENTA!

Ang cute ng tarayan memes sa pagitan nina ­Maja Salvador as Ivy Aguas, at Pia Wurtzbach, na kuha sa katatapos lang na Star Magic Ball.

Sa red carpet kasi, magkasunod na rumampa sina Pia (solo), at sina Maja, kasama si Enchong Dee.

pia-wurtzbach
Pia Wurtzbach

Eh, natural na sa red carpet, kapag natapat ka na sa harap ng mga photographers, dapat todo-aura ka muna, smile rito, smile roon, posing dito, posing doon. At ganu’n nga ang eksaktong ginawa ni Pia, na you know naman, dahil Miss Universe siya, aral na aral, at sanay na sanay magpaganda sa nagkikislapang kamera.

At ‘yun na nga, may mga shots kasi na ang anggulo ay kitang-kita si Pia, at pati na rin ang iba’t ibang reaksyon ni Maja, na kasunod nga ni Pia.

At dahil doon, ginawan na sila ng tarayan memes, na si Maja, in character daw bilang Ivy Aguas (sa teleserye niyang Wildflower), versus Miss Universe 2015.

At heto nga ang eme-emeng sagutan ala-komiks ng dalawa…

“Ako maganda sa gabing ito!” — Pia.

“Ay, iba din, nagpagupit lang akala mo kinaganda na!” — Ivy (Maja).

“Andiyan si Ivy, wala akong paki!” — Pia.

“Ayaw talaga niya tumigil hahambalusin ko tong baklang to!” — Ivy (Maja).

“Ano sabi mo?” — Pia.

“Eme lang, ikaw naman oh. Sige push mo lang gurl…” — Ivy (Maja).

Ang cute lang, na ibinase kasi ang mga dialogues na nabuo, dahil sa iba’t ibang expressions sa mukha nilang dalawa. At ang cute nga na ang ginamit na karakter ay si Ivy, na palaban nga sa Wildflower.

Nowadays, ang bilis talagang gumawa­ ng ikatutuwa ng mga tao. Ang bilis magpa-trending. Ang bilis ng life! Ang funny! Ang cute! Loveeettt!