Una sa Balita

Ellen-John Lloyd beach wedding itinanggi ni Beauty

By
0 2,258

Bestfriends sina Ellen Adarna at Beauty Gonzales in real life. Sa mga importanteng event sa buhay ni Beauty, laging nandun si Ellen.

Kaibigan din ang turing ni Beauty kay John Lloyd Cruz, dahil kaibigan din ito ng husband niyang si Norman Crisologo.

At ngayong napapabalitang ikakasal na sina John Lloyd at Ellen sa isang resort, hindi naman siguro nagmamaang-maangan lang si Beauty, na wala siyang alam.

Pero sabi nga niya, kung totoong may magaganap na kasal, dapat alam niya, since siya nga ang isa sa malalapit na kaibigan ni Ellen.

“Pero wala talaga. Walang kasalan na magaganap. Dapat alam ko kung may plano na sila. Pero wala talaga,” giit pa ni Beauty sa farewell presscon ng Pusong Ligaw ng ABS CBN.

Pero lu­ma­bas na nga ang chika na beach wedding daw at may catering na kinausap, at florist na?
“Ang family ni Ellen may catering business sa Cebu,” sabi lang ni Beauty.

“Pero, ini-invite ko sila (Ellen at Lloydie) na sumama sa bakasyon namin sa isang resort. Magbabakasyon ako ng isang buwan sa isang beach. Isang buwan akong taga-dagat.

“Ini-invite ko sila. So, sana sumama sila,” say pa ni Beauty.

Teka, wala ka pa bang planong mag-baby ulit? Hindi pa ba humihirit ang dyowa niya ng isa pang baby?
“Minsan nagpaparinig na mga 3 years 4 years, pero ako okey na ako sa isa, para feeling ko maging barkada ko paglaki. I wanna go out at mag-enjoy kasama ang anak ko.

Ayaw ko na ngayon agad magbubuntis ako, eh nawala nga ako ng one year dahil sa taping ng Pusong Ligaw, hindi ko man lang nabigyan ng panahon ang nag-iisang anak ko. So pahinga muna ako. Bigyan ko muna ng panahon ang anak ko.”

So, puwede ka na palang magbigay ng tip sa bestfriend mo na magiging mother na rin?

“Sino ba? Time’s up na ba? Ha! Ha! Ha!” paiwas na sagot ni Beauty.

“Sino ba pinaguusapan natin?” tanong niya.

Si Ellen nga.

“Sa totoo lang hindi namin napag-uusapan ang mga ganiyang bagay. Hindi ko pa siya nakikita promise. Last kita ko sa kanya, sobrang tagal na,” sey na lang ni Beauty na halatang iwas na iwas magkuwento pagdating sa sitwasyon ni Ellen.