Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Ellen DeGeneres’ tsutsugiin na

0 57

Kinumpirma ni Ellen DeGeneres na magpapaalam na ang kanyang talkshow pagkatapos ng ika-19th season nito. Humigit kumulang na 3,000 episodes ang nagawa ni Ellen.

“Ellen is ending when her contract is up at the end of the 2022 19th Season,” ayon sa isang source close to Ellen.

Kung matatandaan ay nasangkot sa kontrobersya si Ellen noong summer 2020 dahil sa diumano’y pag-create niya ng toxic workplace dahil sa kanyang “unkind” personality.

Nagkaroon man ng intriga between her and her staff, wala siyang pinatanggal sa trabaho.

Sabi ng source; “The truth is there’s a lot of gratitude among her staff that she didn’t just quit after last summer, and has kept them all employed this season during a pandemic. And now, they all get to work for a whole other season next year.”

Ayon sa 63-year old talkshow host, hindi na raw siya natsa-challenge sa kanyang talkshow. Inamin niya na noong season 16 pa niyang naisip magpaalam pero na-convince siya ng producers na mag-stay for 3 more seasons.

Ang papalit daw sa timeslot ni Ellen ay ang talkshow ng singer na si Kelly Clarkson. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.