Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ellen DeGeneres naguluhan sa Pinoy softdrink ad

0 189

Pati si Ellen DeGeneres ay naguluhan nang mapanood ang weird TV commercial ng RC Cola.

November 2020 nang i-launch ang TV ad ng RC Cola at nag-viral ito dahil sa kakaibang dating nito sa masa.

Na-feature ang RC Cola ad sa segment ng The Ellen DeGeneres Show na “Ellen and Twitch Guess What’s Going to Happen Next in This Crazy Commercial” last January 23.

Nagulat si Ellen nang ipakita sa TV ad ang lalaki na may apat na baso sa likod ng katawan niya. Mas na-shock si Ellen nang tanggalin ng babae ang ulo nito at lagyan ng RC Cola ang mga baso sa likod ng lalaki.

“I mean what is that commercial? What’s it for? Do we know? I was wondering how they were going to drink it, and that’s how,” tawa pa ni Ellen.

May kanya-kanyang interpretation ang netizens sa naturang odd concept ng TV ad. Kaya pati si Ellen ay nahiwagaan sa nag-isip ng concept ng RC Cola TV ad. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.