Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ellen DeGeneres laos na

0 252

Mukhang hindi na mabenta ang mga jokes na nanggagaling kay Ellen DeGeneres.

Kelan lang, ang joke niya tungkol sa Playstation ay walang natuwa at na-bash pa ang TV host-comedian ng netizens.

Sey ni Ellen: “200 years in the future… ‘Honey, have you seen my iPhone 378? I need it to preorder my PS6.’”

Hindi nagustuhan ng gaming community sa Twitter ang joke na ito ni Ellen. Nag-react ang Internet celebrities tulad ni OrdinaryGamers, Chris Ray Gun and CallMeCarson at marami pang iba sa joke ni Ellen.

“You should ask Twitter to add a laugh track function so it can mask the unfunny,” tweet ni OrdinaryGamers.

Simula noong maakusahan ng bullying at pagkakaroon ng toxic work environment, bumagsak ng 37 percent ang audience ng The Ellen DeGeneres Show noong umere ito for its new season last September.

Kelan lang ay nanalo ng People’s Choice Award ang Ellen as Best Daytime Talkshow. Umaasa ang TV host na muling bumalik ang tiwala sa kanya ng kanyang staff and audience. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.