Una sa Balita

ELLEN ADARNA, SABIK NANG MAGKA-BOYLET!

By
0 6

Balik-paseksi si Ellen Adarna sa kanyang Instagram. Marami nga ang nakapansin na dumalang na ang mga sexy posts ni Ellen, kaya naman ang mga followers niya, tila nawalan na rin ng gana, at medyo nagpahinga rin sa pag-support sa kanyang mga pinu-posts, kaya konti lang ang mga likes na hinahamig niya.

Nag mo-moment ako… excuse me 🤸🏻‍♀️ #werq #day2

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Mas bet talaga ng mga followers niya, lalo na ng mga kalalakihan, na sexy photos ang inilalabas niya. Deadma sila sa pag-i-emote niya sa mga Korean actors.

Eh, sa mga latest posts niya ng pictures at videos, bumalik sa mahigit kalahating milyon ang tumututok sa Instagram account niya.

Ang latest video niya na nasa kama siya, na iba-ibang kulay ng swimsuits ang suot niya, na sa tingin ko ay kuha sa pictorial niya kay Raymund Isaac, aba, humamig nga agad ng 613,349 views, ha!

At parami nang parami ang mga nagbu-view, ha! Kaya hindi kataka-takang umabot ito ng isang milyon.

Anyway, marami nga ang nakapansin na bumalik na ang kaseksihan ni Ellen. At aminado si Ellen, madalas talaga siyang nasa gym. At `yun na nga, huminto raw muna siya sa pag-inom ng alak.

“Hirap na hirap. Walang alak!” sagot ni Ellen sa isang friend niya na nagtanong kung bakit seksi na siya ulit ngayon.

“Kulang pa. Sobrang kulang pa. 2 months more pa,” sabi pa ni Ellen tungkol sa kanyang balik-alindog program.

Na hintayin nga raw ang dalawang buwan, at mala-Kate Moss na ulit ang kanyang alindog.

Pero, alam niyo ba na sa ka­seksihan at kagandahan ni Ellen, problemado pala siya ngayon, dahil mawawala na nga raw sa kalendaryo ang edad niya, pero wala pa rin siyang dyowa.

“Magpapaganda lang muna ako. Last year ko na sa 20s, wala pa akong lovelife. Hahahahaha! Mag-effort muna ako. Hahahaha!” sabi ni Ellen.

Kaloka, ‘di ba? Na kahit ang ganda-ganda at seksi-seksi ni Ellen, lalake pa rin ang problema niya.

Nasaan na nga ba ang mga boys, at bakit tila parang dinidedma nila si Ellen, ha? O baka naman sa dinami-rami ng mga boys na umaaligid sa kanya, siya mismo ang walang type sa kanila.

Baka ang mga tipo ni Baste Duterte pa rin ang bet na bet ni Ellen.

Well, napapanood si Ellen sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving na bida si Awra.