Una sa Balita

Ellen Adarna pantasya ulit ng mga barako

0 626

Nagpasilip ng kanyang tiyan si ­Ellen Adarna na nagpapakitang bumalik na sa dati ang kanyang kaseksihan. Ilang mga happy shot ang pinost ni Ellen na kuha sa isang rooftop bar habang suot ang isang revealing tummy sweatshirt o mid-rib top.

Makikita sa larawan ang kurba ng katawan ni Ellen at ang impis na niyang tiyan na parang walang pinagdaanang pagbubuntis.

Inulan ng papuri si Ellen sa bumalik na kaseksihan sa larawang ito at tinatanong ito kung kailan ito babalik sa showbiz. Maraming mga barakong naglalaway ulit sa kaseksihan ni Ellen ngayon.

Mga magulang nina Derek, Andrea super bonding sa Japan

Umaasa ang mga fan nina ­Andrea Torres at Derek Ramsay na mauuwi na sa kasalan ang kanilang relasyon. Pinaskil ni Andrea ang larawan ng ina ni Derek at ng kanyang mommy na magkatabi sa upuan.

Kuha ang larawan sa bakasyon nila sa ­Japan, kung saan kasama ni Derek ang kanyang parents at ganu’n din si Andrea na kasama ang kanyang mga ­magulang.

Base sa mga photo, nagkakaigihan na ang mga magulang nina ­Andrea at Derek.

Galing sa ilang failed relationships si Derek kahit pa umabot na nang ilang taon ‘yon, kaya ipinagdarasal ng kanilang mga fan na panghawakan ng aktor ang relasyon nito kay Andrea ngayon.

Heart si Lovi lang ang kaibigan sa showbiz

Lumalabas na walang kaibigang taga-showbiz si Heart Evangelista, kundi si Lovi Poe lang. Sa kanyang birthday celebration ay naka-post sa Instagram ni Heart ang larawan ng mga dumalo sa kanyang “birthday salubong”.

Isang dinner ang inihanda ni Heart para sa lahat na nakasuot ng puti.
Wala ni isang showbiz o artista na kasama sa larawan, mali­ban kay Mark Bumgarner na isang fashion designer na kaibigan ng aktres.

Nasa ibang bansa si Lovi kasama ng kanyang foreigner boyfriend kaya hindi ito nakadalo sa ­dinner.

Pero nag-post si Lovi ng throwback video nila ni Heart na kuha noong 1992 na nagsasayawan silang dalawa habang sini-selfie shot ito ng una.
Binati ni Lovi si Heart at sinabing magba-bonding sila sa mga susunod na araw para sa birthday nito.

Ilang taon na sa showbiz si Heart at tanging si Lovi lang ang nakikita ng netizen na close friend nito.

Anak ni Eula pang-Hollywood ang kaguwapuhan

Puring-puri si Eula Valdez ng kanyang mga follower sa pinost niyang larawan ng kanyang anak sa Instagram nito. Binata na nga ito at balbas sarado pa, mahaba ang buhok, pero ang mas kahanga-hanga ay ang pag-abot nito ng flower sa ina.

Guwapong-guwapo ang mga netizen sa anak ni Eula na si Miguel Valdez.
May mga nagsasabing kamukha ito ng Hollywood A-List actor na si Keannu Reeves.

Ang ilan naman ay nagsasabing mukhang Bollywood actor ang anak na ito ni Eula. Pero ang bottom line, kumbinsido ang lahat na hawig ni Eula ang anak dahil sa mga mata nito.

Hindi nga makapaniwala ang mga supporter ni Eula sa pagkakaroon nito ng anak na malaki na dahil parang kapatid lang daw ito ng mahusay na aktres. Hanggang ngayon kasi ay napanatili ni Eula ang kanyang kabataan at kaseksihan.

***

Muling ipinasi­lip ni Kathryn Bernardo ang kanyang ­buong angkan, na kuha sa ika-7 kaara­wan ng paborito niyang pamangkin. Aminado si Kathryn na hindi siya madalas mag-post ng lara­wan ng kanyang pamilya para malayo ang mga ito sa mga basher.

“I admit I don’t always post about my family because I prefer to keep some things private, but my favo­rite niece turned 7 last month and I’m super happy because we were almost complete (miss you, kuya!) to celebrate her big day,” sabi ni Kathryn.

Mapapanood sa kanyang YouTube channel ang video ng selebrasyon ng kaarawan ng bata. Mapapansin lang na tila salang-sala ang mga comment sa post na ito ni Kathryn.

Naka-disable ang comment section ni Kathryn dahil ayaw nga niyang masaktan ang kanyang mga mahal sa buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More