Una sa Balita

Ellen Adarna nagpasilip ng tiyan

By
0 20,329

Habang sumisipsip ng gata ng buko, o soya juice at nagda-drive, ipinasilip ni Ellen Adarna ang matagal nang inaasam-asam ng publiko na makita. Ito ay ang kanyang tummy para once and for all ay ma-confirm kung buntis nga ba siya o hindi, noh!

Sa video upload ng dating sexy actress, muli nga niyang tinakam ang mga usyusero at usyu­sera sa kanyang kalagayan, pero tipong nanati­ling misteryo ang ‘bukol’ sa kanyang harapan.

Oo nga at buong upper body niya ang nakikita, pero, in fairness ha, madaya pa rin ito. Why, oh, why?

Kasi nga, naka-loose pink blouse siya na wala ka naman gaanong makita, although, kung talagang tututukan mo, mukhang may umbok nga ito.

Kasi nga, kung yung old self ni Ellen ang babalikan, aba, may pa-abs noon ang hitad, pero dito sa video, walang trace nito.

Nakakalokah nga ang upload na video na ito ng dyowa ni John Lloyd Cruz, kasi parang ang dating ay, ‘O, hayan, bahala na kayo sa buhay niyo, ha? Bahala na kayo mag-isip kung buntis ba o hindi, ha?’

Flat effect ang dating niya basta sipsip lang siya nang sipsip, sabay konting moves dahil sa background music. Eh yun pa lang, nagkagulo na ang socmed world sa pagsisipat ng kanyang tiyanena! Ha! Ha! Ha!