Una sa Balita

Ellen Adarna binulabog ang IG

0 615

Mapang-akit pa rin

Bawing-bawi na nga raw si Ellen Adarna ang kanyang mapang-akit na katawan at kagandahan dahil sa latest post nito sa kanyang IG ay maraming kalalakihan na naman ang kanyang natutukso noh!

Pagkatapos nga ng halos isang taon ay tila binubulabog na naman niya ang social media na para bang gustong sabihin na, “I’m back!”

Wala namang pasaring kung gusto na niyang bumalik sa showbiz, basta ganu’n lang siya.

Nag-post upang magparamdam na she’s in top form again na kahit may dyunakis na siya ay parang walang nangyari sa kanyang body beautiful.

Ms. Flawless pa rin siya na siyempre, ang number one fan niya ay ang kanyang jowang si John Lloyd Cruz habang on vacay sila sa Bali, Indonesia.

Well, kung sakaling ituloy na nila ni Lloydie ang pagbabalik-showbiz ay tiyak na may puwang pa rin sa kanila ito.
Korek! (Glenn Regondola)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy