Una sa Balita

Ella sinolo ang papuri ng Blackpink

0 481

Sa kabila ng sunod-sunod na papuring natatanggap sa pagkakapanalo bilang Awesome Dance Cover mula sa Blackpink ng dancer-actress na si Ella Cruz at ng kanyang grupo, marami pa ring nag-iingay na basher na pilit kinokontra ang kasiyahan ng aktres.

Inaakusahan kasi ng ilang netizen ang aktres na “credit-grabber” dahil ayon sa mga tumatalak na basher, kinuha lahat ni Ella ang papuri sa nakamit na karangalan ng kanilang grupo.

Pero hindi pinalagpas ng aktres ang pambabatikos sa kanya ng mga netizen. Agad siyang umalma sa mga negatibong komento.

“Never ko tinake lahat ng credits FYI. Mga tao talaga (face palm emoji) balakaujan! Basta nakasayaw ako sa harap ng BLACKPINK (hearts & crying emojis),” sey ng aktres.

Hindi na pinahaba ng aktres ang kanyang reaksyon sa mga netizen na kumokontra sa kanilang achievement at sinubukang dedmahin na lang ang mga ito.

To the rescue din naman ang SB New Gen Girls na nakasama niya sa pagtatanghal sa naturang event.

“FYI: Ella was the only one invited since she is a PH endorser of SAMSUNG but we joined cause we want to meet BP too! Can we just be happy for one another guys!!! Dreams are being fulfilled and recognized no reason mag crab mentality!! Toxic haters kinagaling niyo ang pagbabash?” saad ng SB New Gen Girls sa kanilang Twitter kalakip ang nabanggit na tweet ni Ella.

Matatandaang bumilib talaga ang mga miyembro ng Blackpink sa kanilang pag-indak, dahilan para sila ang hirangin bilang Awesome Dance Cover para sa event na iyon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More