Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Elitistang gov’t exec bait-baitan ang peg

0 78

May itinatago palang kaplastikan itong isang opisyal ng gobyerno dahil akala ng publiko ay mabait at tahimik ito pero nasa loob pala ang kulo.

Itong opisyal na ito ay isa sa mga paborito ngayong panahon ng pandemya dahil magaling siyang magpaliwanag lalo na sa mga nakaka-nosebleed na isyung pang-gobyerno.

Katunayan, bumilib nga sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil malinaw at hindi pasikot-sikot ang mga pahayag nito kapag natatanong ng Presidente.

Pero kakabit ng kanyang pagiging matalino at maga­ling ay ang kawalan ng tiyaga lalo na kapag pinaghihintay ng mga ilang minuto lang naman kapag nakakapanayam ng media.

Sinungitan ba naman nitong elitistang opisyal ang isang communications assistant ng isang istasyon ng radyo dahil hindi agad siya natawag ng broadcaster na mag-iinterview sa kanya. May commercial kasi kaya ilang minuto lang naman itong pinaghintay.

Ang kawawang CA ang sinabon ng opisyal kaya naman abot-abot ang paghingi ng paumanhin ng kawawang maliit na manggagawa.

Pero noong tinawag na siya at isinalang na sa interview ay hindi kinakitaan ng bahid ng sungit itong si opisyal at ang bait-bait ng tono sa ere, cool na cool na parang walang ginawang kamaldituhan sa staff.

Sabagay, malayo ang agwat nitong si sir sa mga kasamahang opisyal, kasi bubot pa siya sa public service kumpara sa mga kasamahan na dekada na sa serbisyo publiko.

O hayan na ang clue ha, bata pa itong si Mr. Official at puro pangpa-nosebleed ang expertise nito kaya naman bilib sa kanya ang ilang opisyal ng Palasyo.

Totoy, konting pasensya ha, habaan mo ang pisi dahil kasama ‘yan sa serbisyo publiko!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.