Una sa Balita

Elite walang Parks kontra Batang Pier

By
0 518

Mga Laro Ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30 pm — Blackwater vs NorthPort
7:00 pm — Phoenix vs Meralco

APAT na koponan sa pangunguna ng Blackwater Elite at Phoenix Pulse ang magsagupa ngayong hapon sa ikalawang araw ng aksiyon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Blackwater Elite, na hindi kasama ang kinuha nitong No. 2 overall pick na si Bobby Ray Parks, Jr., ang NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 nang hapon habang sunod na magkakatapat ang Phoenix Pulse at ang Meralco Bolts sa alas-7:00 nang gabi.

Bago pa man magsimula ang torneo ay kinukunsidera ng ibang koponan ang Phoenix bilang “dark horse”.

“So far, so good,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas. “Maraming positive things pero meron din negative pero mas marami ang positive. Our goals ay hindi pa rin namin nami-meet na maka-semis kami.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy