Una sa Balita

Elisse sinulot ni Jameson kay McCoy

0 866

Natanong nga si Jameson Blake tungkol sa estado ng kanyang puso sa “Tonight with Boy Abunda” at sabi niya, si Elisse Joson ang huling babaeng nagpakilig sa kanya.

“May nagbigay kasi ng Christmas gift sa akin as a friend,” kuwento ni Jame­son.

Patuloy na tanong ni Boy Abunda, kung si Elisse nga ba ang tinutukoy niya, at buong tapang niya itong sinagot na oo.

Anyway, mahilig din pala magsulat ng mga tula si Jameson, at “Sweetest Smile” raw ang ibibigay niyang title kung susulat siya ng tula para kay Elisse.

Sinegundahan naman ito ni Boy, “Maraming pag-ibig ang nagsisimula sa ngiti.”
Pero napunta rin sa ka-love team ni Elisse na si McCoy ang usapan at tungkol sa pagkakaibigan nila. Hindi raw totoo na nagpaalam siya kay McCoy bago ligawan si Elisse.

“We are (friends). Actually before, pareho kasi kami. Tahimik si McCoy eh, tahimik din ako. But he was playing the same game as me, si Joshua, ako, siya, si Jerome (Ponce), we play PUBG together. Doon kami naging close,”
paliwanag ni Jameson tungkol sa isang multiplayer game na nilalaro nila.

Nang tanungin kung may tensyon sa pagitan nila ni McCoy, hindi sigurado ang binata at sinabing, “Wala naman siguro, I’m not sure.”

Naku ha, makahulugan ang mga binitawang salita ni Jameson. Parang may namumuong away talaga sa kanila.

I’m sure, ang mga kasunod na isyu nito, na kesyo sinulot ni Jameson si Elise kay McCoy, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy