Una sa Balita

Elisse gustong ligawan ni Jerico

By ,
0 698

abante-paistaran-dondon-sermino

Bukod kina Erich Gonzales at Bianca Umali, type na type ni Jerico Estregan si Elisse Joson.

Buong ningning na inamin ng isa sa mga bida ng pelikulang “Exit Point” na si Jerico Estregan, na type niyang ligawan si Elisse. Kunsabagay, sa ganda ni Elisse, kahit sinong lalaki, magkakagusto sa kanya.

“I find her beautiful. May time na nag-guest ako sa ASAP, nakita ko siya sa isang dressing room. Kahit nasa malayo ako, alam kong siya ‘yon, kasi nagbu-bloom siya.
“Hindi ako nagkalakas loob na kilalanin siya. Hindi ako nakalapit sa kanya, kasi papasok na ako ng studio.

“Sayang nga hindi ko rin nakuha ang number niya. Gusto ko siyang makilala, eh,” sabi ni Jerico.

Medyo napangiti nga si Je­rico nang sabihin na­ming break na sina Elisse at McCoy de Leon.

“Sabi nga nila break na raw sina Elisse at McCoy, eh. Totoo ba ‘yon?

“Pero gusto ko talaga siyang ma-meet. Sana makasama ko siya sa trabaho. Kahit mag-co produce ako, basta makasama ko lang siya.

“I find her beautiful talaga. At gusto ko talaga siyang makilala pa,” sabi pa ulit ni Jerico.

Anyway, mapapanood ang interview namin kay Jerico sa “Abantelliling,” ang online show ng Abante News Online. Mag-log on lang sa Abante News Online Facebook page.

Daniel type mag-bold na tulad ni Marco

Mara­mi nga ang ginulat ni Daniel Padilla na nag-post siya ng photo niya sa Instagram na nakahubad siya habang nakahiga sa bathtub. At isa nga sa natuwa ay ang kaibigan niyang si Marco Gumabao.

“Oo nga, eh, nakahubad siya? Nakita ko nga.

“Feeling ko gusto na niya akong palitan sa pagiging underwear model, eh. Pero, it’s good to see him like that.

“Naging edgy na rin siya. Pero hindi ko naman siya inimpluwensiyahan.

“Siya kasi ang parati naming tagaasar. Like nung nag-shoot kami sa Boracay, siyempre kabarkada mo kasama mo, tapos naka-underwear lang ako. Siyempre siya as a friend, natatawa siya para sa akin.

“Habang nagsu-shoot kami, nandiyan siya nang-aasar. Ang hirap magtrabaho. Pero, okey lang. Barkadahan lang. Asaran lang. Good vibes lang,” kuwento ni Marco.
Bida nga pala si Marco sa digital series na mapapanood sa IWant ang “Apple of my Eye” kasama si Krystal Reyes.

Kahit walang dyowa:Malapit na akong ikasal — Bela

Si Piolo Pascual nga ang ka-date ni Bela Padilla nu’ng Valentine’s day. Pero siyempre, kasama rin sina Direk Joyce Bernal, at pamilya ni Piolo.

Tama nga si Piolo na wholesome ang date niya sa V-day dahil sa dagat, kasama ang nanay niya, at ilang mga kaibigan.

Well, dalawang taon na nga siyang walang dyowa, at masaya naman daw siya.
“Ang dami ko rin kasing ginagawa. Sana hanapin niya ako. Iba pala pag work ka lang nang work. Productive.

“Sabi nga nila OA na akong magtrabaho. Malapit na akong ikasal sa building ng ABS-CBN. Hahahahaha!
“Mahal na mahal ko ang buil­ding. To think na wala pa akong ID, eh. Visitor’s pass pa rin ako. Pero ‘yun nga, mahal na mahal ko talaga ang trabaho ko. Para kung may mangyari man na maganda, o hindi maganda, hindi ka magsisisi.”

“At sino ba ang mas gustong katrabaho ng mga direktor, ang artista na magaling lang, pero walang pakialam, o artista na hanggang dulo sasamahan ka? Ang galing kasi naituturo ng direktor. Pero ‘yung sipag, ibang usapan na ‘yon,” sabi pa ni Bela.

Si Bela ang writer/co-producer ng pelikulang “Apple of my Eye” na bida sina Marco Guma­bao at Krystal Reyes na palabas pa rin sa IWant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy