Una sa Balita

Elisse dinedma ni McCoy

0 657

Ni: Athena Yap

Ginanap kahapon ang ika-23rd birthday ng aktres na si Elisse Joson kasama ang kaniyang mga fan na Elisse Fighters.

Punong-puno ng handa at pinkish ang theme. Bumuhos ang greetings para kay Elisse ng kanyang mga kapwa artista tulad nina Marlo Mortel, Boyband Tristel, Joj Agpangan, at Giselle Sanchez.

Pero ang nakakapanibago ay tila walang pagbati ang kaniyang ka-love team na si Hashtag McCoy sa kanya o wala rin post na binig­yan siya ng regalo.
Akala ng iba ay muling nag-uusap ang dalawa dahil nga may upco­ming movie sila. Umaasa pa rin ang karamihan na baka may surprise si McCoy para kay Elisse.

Gayunpaman, mukhang masaya pa rin naman ang aktres sa kabila ng ano mang isyu na ibato sa kanila. May McCoy man o wala, tuloy parin ang kasiyahan ng aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy