Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Elijah ‘talbog’ ni Ricky kay Kokoy

0 529

Alam mo, Dondon (my dear editor), na-feel good ako sa live online guesting ng “Gameboys” stars na sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa “Anything Goes” show ko sa Facebook page ng Abante News Online noong Monday afternoon.

Sobrang active pala sa social media ng mga fan nina “Cairo” at “Gavreel” dahil nag-#3 trending topic pa sa Twitter ang hashtag #AnythingGoesWithGameboys.

‘Kaaliw rin sina Elijah at Kokoy dahil game na game ang mag-“Baby”.

Iisipin mo nga na parang may relasyon talaga sa totoong buhay ang dalawa like their characters sa “Gameboys” BL series sa YouTube channel ng IdeaFirst Company ng mag-asawang direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan, huh!

Natuwa rin sila sa pa-surprise ni Ricky Davao kay Kokoy na nakasama niya sa pelikulang “Fuccbois”.

Ang galing ding sumakay ni Ricky dahil ‘kaaliw ang mga sagot niya nang biruin ko na kung si Elijah ay hanggang yakap at halik lang kay Kokoy sa “Gameboys” at may harang pa silang plastic, siya naman ay nakita na ang hubo’t hubad na si Kokoy sa pelikulang pinagsamahan nila.

Ang ibang mga fan nga ng EliKoy love team ay pabirong sinabi na talbog nga ni Ricky si Elijah dahil nakita na ng una ang kahubdan ni Kokoy.

Eh, may eksena pa sa pelikula na hinahalikan ni Ricky ang mga paa nina Kokoy at Royce Cabrera (isa pa sa artista ng pelikulang “Fuccbois”), kaya inusisa ko ang batikang aktor/direktor kung mabango pa ang paa ni Kokoy at “OO” ang sagot niya dahil nagpa-foot spa pa.

Anyway, may isang fan sina Elijah at Kokoy na nagkuwento sa akin na tina-transcribe nila ang tsikahan naming ‘yon dahil gagawan daw nila ng English translation para maintindihan ng international fans ng EliKoy love team, huh!

Ang bongga!

Xian nag-propose na kay Kim?

Speaking of “Anything Goes” show ko sa Facebook page ng Abante News Online, mamayang 2:00PM ay mapapanood naman ang guesting ni Xian Lim.

Yes, finally, maghaharap na rin kami ni Xian via Zoom app. Ang sarap ng tsikahang “yon na tinaped na namin noong Monday after ng live guesting nina Elijah at Kokoy.

Binalikan namin ni Xian ang naging buhay niya sa Daly City, California.

Malapit na malapit sa San Francisco ang lugar na ‘yon at naikuwento rin ni Xian kung bakit niya naisipang pumunta sa Philippines para maging isang basketball varsity player at kung paanong bigla siyang napasok sa showbiz.

Pati ang unang guesting niya sa isang show ng ABS-CBN ay ipinakita rin ni Xian at ikinuwento kung saan sila unang nagkakilala ng ka-love team at girlfriend in real life na si Kim Chiu.

At heto pa, Dondon, natanong ko rin si Xian kung ngayong lockdown ba dahil sa pandemic ay naisipan niyang mag-propose kay Kim at pakasalan na in the near future ang kanyang girlfriend.

Exciting ang sagot ni Xian tungkol doon, kaya dapat tutukan talaga ng KimXi fans ang show ko mamayang 2:00PM.

Siyanga pala, happy rin si Xian na malapit na ring mapanood sa Netflix Asia ang “Love The Way U Lie” movie ni Alex Gonzaga with Kylie Versoza. Sa August 20 ay naka-live streaming na ‘yon sa Netflix.

Napag-usapan din namin ni Xian ang tungkol sa “Love Thy Woman” Kapamilya series nila ni Kim at kung bakit hindi sila mahilig mag-PDA (public display of affection) ng kanyang girlfriend.

Ang bongga!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.