Una sa Balita

Electrician dedbol sa 10-wheeler truck

0 326

NALASOG ang katawan ng isang electrician matapos itong maat­rasan ng 10-wheeler truck sa loob ng poultry farm sa Bugallon, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ng Bugallon Police Station (BPS) ang biktima na si Normandy Canave, 54, ng Barangay Magtaking sa nasabing bayan.

Batay sa impormas­yon mula sa BPS, nangyari ang insidente sa Barangay Portic sa ba­yan ng Bugallon, sa loob ng Jadeco Poultry Farm kung saan ang biktima ay naatrasan ng 10-whee­ler truck na minamaneho ni Ronaldo Somintac, 46, ng Barangay Hacienda sa nasabi ding bayan.

Ayon sa salaysay ni Somintac, hindi nito alam na nasa likod ng truck ang biktima nang iatras niya ang dambuhalang sasakyan.

Matindi ang naging pinsala sa katawan ng biktima at nagtamo ng mga sugat na agad namang dinala sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng doktor na tumingin dito.

Nasa kustodiya ng BPS si Somintac at nakatakdang sampahan ng reckless imprudence resulting to homicide ng mga kamag-anak ng biktima. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy