Una sa Balita

Election protest ni Marcos vs Robredo buhay pa

0 369

BUHAY pa ang election protest ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos na ibasura ng Supreme Court (SC) na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang petisyon ni Robredo na iresolba na ang lahat ng nakabinbing kaso may kinalaman sa election protest ni Marcos.

Sinabi ng PET sa inilabas na resolusyon noong Hulyo 2 na hindi pa kumpleto at lumalabas ang final tally ng mga boto matapos ang recount.

Ang resulta ng recount sa pilot area sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan ang magiging basehan kung dapat na ibasura ang protesta ni Marcos.

Ipinagpaliban rin ng PET,ang desisyon sa kahi­lingan ni Marcos para sa technical examination ng resulta ng halalan sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan, dahil nagkaroon umano ng malawakang dayaan sa C
ommission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, na ang pagbasura sa petisyon ni Robredo ay nangangahulugan na hindi pa dapat ipagmalaki ni Robredo na nanalo na siya.

“Dapat nating bigyan ng utmost respect ang Korte Suprema, dahil sila lang ang may karapatang magdesisyon dito sa usapin ng election protest na inihain ni Sen. Marcos,” ayon kay Rodriguez. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy