Una sa Balita

Election gun ban simula sa September 23

By
0 6

Simula na rin sa September 23, 2017 ang gun ban kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections at tatagal ito hanggang October 30.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10197, ipagbabawal ang pagbibitbit ng armas at patalim sa labas ng bahay sa panahon ng election period.

Ipagbabawal din ang pagbiyahe at delivery ng baril, bala at mga bahagi nito.

Abante Hiring – IT dep

“No person shall bear, carry or transport firearms o deadly weapons outside his residence or place of business, and in all public places, including any building, street, park and in private vehickes or public conveyances, even if he is licensed or authorized to possess or carry the same, unless authorized by the Commission…” ang nakasaad sa resolusyon.

Para naman sa mga law enforcement agency kabilang na ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI), kinakailangang mag-apaly sila para sa issuance of authority nang sa gayon ay makapagbitbit pa rin sila ng baril.

Kinakailangan na magsumite ang mga nasabing ahensya ng listahan ng kanilang mga miyembro, firearms description kabilang ang serial number at litrato ng kanilang uniporme.

Simula sa September 21, 2017 ay tatanggap na umano ang Comelec Committee on the Ban of Firearms and Security Personnel ng aplikasyon para sa issuance of authority.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga lalabag sa gun ban ay papatawan ng parusang hanggang anim na taong pagkabilanggo.

Panuntunan sa security personnel

Samantala, sa ilalim ng naturang resolusyon, bawal na rin ang pagkuha ng serbisyo ng mga security personnel ng mga kandidato at re-electionist para sa nasabing halalan, simula rin sa September 23 hanggang October 30.

Alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7166 o Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms, walang sinumang kandidato sa nalalapit na eleksyon, pati na iyong mga nakaupong opisyal na nais uling kumandidato sa Barangay at SK elections ang papayagang kumuha ng serbisyo ng bodyguard, pribado man o mula sa hanay ng PNP at AFP o iba pang law enforcement agency ng gobyerno.

Gayunman, kung hihingin ng sitwasyon o manganganib ang seguridad ng kandidato, pahihintulutan naman ng Comelec na kumuha ito ng serbisyo ng dalawang pribadong security personnel o bodyguard sa panahon ng election period mula sa mga lisensyadong private security provider.

Pero dapat, kumuha ng aplikasyon sa Comelec ang kandidato. Maaari rin kumuha ng aplikasyon ang mga nakaupong public official, halal man o itinalaga, ang pamilya ng kandidato at ang mga pribadong indibidwal.