Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eleazar tinabla mga politiko

0 21

Hindi muna pinapansin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga tawag at paghimok sa kanya ng ilang politiko para tumakbo sa 2022 election.

Ayon kay Eleazar nakatakda siyang magretiro sa Nobyembre pagsapit niya sa PNP mandatory retirement age na 56.

“Sa ngayon po I don’t want to be distracted kasi ngayon po nakukulayan ‘yong trabahong dati ko pa naman ginagawa. I don’t want to be distracted and entertain these things,” ani Eleazar sa isang panayam sa isang online media portal kahapon.

“Ang hangad ko lang pagkatapos ng aking trabaho is makapagpahinga at makasama ang aking pamilya,” dagdag ng opisyal.

Kinumpirma din ni Eleazar na may mga tumatawag na sa kanya ngayon pa lang at hinihimok siyang tumakbo sa public office na kanyang pinasasalamatan pero sa halip ay hinimok niya ang mga ito na tulungan ang pulisya sa ikakatagumpay ng ahensiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.