Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eleazar bagong PNP chief

0 125

Inaprubahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Police Lt. General Guillermo Eleazar bilang susunod na Philippine National Police (PNP) chief kapalit ni General Debold Sinas na magreretiro sa Mayo 8.

Ito ang inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa text message sa mga reporter.

“President Duterte has just approved the appointment of PLt Gen Guillermo Eleazer as the next Chief of Philippine National Police with the rank of Police General vice PGen Debold Sinas who retires on May 8 2021,” saad ni Año.

“I welcome the appointment of PLt Gen. Eleazer who is very qualified for the job,” dagdag pa ni Ano.

Base sa resolusyon ng National Police Commisison (NAPOLCOM) inirekomenda si Eleazar bilang susunod na pambansang hepe ng pulisya base sa seniority, merit, service reputation at competence para mamuno sa kapulisan.

“I expect PLt Gen Eleazar to lead the PNP Organization to greater heights amidst the pandemic during these challenging times,” saad pa ni Año.

Si Eleazar ang magiging ika-26 na pinuno ng Pambansang Kapulisan.

SM food to go Banner Ad

Samantala, sa Biyernes ang turnover of command sa Camp Crame.

Napag-alaman na ang pamilya nina Sinas at Eleazar kasama ang command group ay face-to-face sa gagawing turnover habang ang media naman ay posibleng gawin na lamang sa pamamagitan ng Zoom bilang pag-iingat na rin dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang appointment ni Eleazar.

Ani Roque ipagpapatuloy ng bagong PNP chief ang mga reporma ng kanyang mga sinundan at

ipatupad ang mas mataas na antas ng pamumuno.

“Eleazar’s track record of professionalism, dedication and integrity speaks for itself,” dagdag nito. (Edwin Balasa/Dolly Cabreza/Aileen Taliping/ Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.