Una sa Balita

Elaine ng Butuan City patas kung lumaban

TNT Record Holder

0 236

abante-paistaran-dondon-serminoNasa ikatlong taon na ang “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime,” and just when we thought na wala nang bagong maibibigay ang show sa amin bukod sa araw-araw na kantahan, dumating sa kumpetisyon si Elaine Duran ng Butuan City.

Si Elaine ang tinagurian ngayong “TNT Record Holder” dahil siya ang kauna-unahang singer na nakasampung panalo sa daily round. Bukod sa automatically ay magiging semifinalist na siya, nagpaandar ang “Tawag ng Tanghalan” at pinapili siya mula sa tatlong “treasure boxes” na may ginintuang regalo.

Ang hihirap din ng tatlong pinagpilian niya: ang karagdagang cash prize na P50,000, ang pagkakataong makapag-record ng single sa TNT Records, at ang special power na piliin ang mga kantang aawitin niya at ng kanyang mga makakatapat sa semifinals.

Siyempre, may kanya-kanyang gusto ang madlang people na pillin ni Elaine, ngunit sa huli, ang additio­nal cash prize na P50,000 ang napusuan niya.

Nang tinanong ni Vice Ganda kung bakit hindi niya pinili ang single, aniya, “Gusto ko po kasi na may process po talaga, na kung mananalo po ako magkakaron ako ng recording.”

Hindi niya rin daw gustong piliin ang mga kakantahin ng kapwa semifina­lists niya dahil gusto niyang maging patas ang laban. In fairness! Pinalakpakan pa ito ni Vice.

Sa ngayon, mayroon nang higit sa P300,000 si Elaine. Ang dami na rin niyang nabihag na mga fan dahil sa kanyang boses at versatility sa pagkanta at halos araw-araw ay may nakikita kaming video niya sa Facebook feed namin. Congrats sa unang “TNT” record holder!