Una sa Balita

‘El Chapo’ kulong habambuhay, $12B yaman kinumpiska

0 404

Hinatulan ng US judge si Mexican drug kingpin Joaquin “El Chapo” Guzman ng habambuhay na pagkakulong at karagdagang 30 taon sa preso.

Si Guzman, 62-anyos, ay nahatulang guilty sa 10 kaso kabilang ang drug trafficking at money launde-ring ng federal court ng New York nitong Pebrero.

Minsan na siyang nakatakas sa kulungan sa Mexico noong 2015 pero muling nahuli. Noong 2017 ay pina-extradite naman siya patungong Estados Unidos.
Siya ang dating pinuno ng Sinaloa cartel na siyang pinakamalaking supplier ng droga sa US.

Bukod sa pagkakakulong, kukum-piskahin din ang $12.6 bilyon niyang ari-arian.

Ikukulong si Guzman sa high-security prison sa Colorado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy