Una sa Balita

Eksena ni Romeo puro takbo!

By
0 1,454

DAHIL sa mga pagbibida at pagpapa­andar ni Terence Romeo na pinuri-puri pa at gustong ma­ging kaibigan ni Kris Aquino, lumabas ang mga lumang kuwento ng kabastusan ng player.

Mula sa pagi­ging mainitin nito sa court, hanggang sa pagdura nito sa sariling kamay bago makipag-handshake, hanggang sa umano’y paggamit nito kay Vice Ganda nung ‘struggling cager’ pa lang ito.

Pero wala nang titindi sa paulit-ulit na pag-play sa social media ng mga eksenang na-video-han kung saan takbo ito nang takbo kapag hinahabol ng mga patalikod niyang sinasapak na Australian Boomers, kaya’t na-label siyang ‘duwag at atakbung atulin and yet pinakamaingay daw kumuda’ sa social media.

Abante Hiring – IT dep

No amount of a­sking for forgiveness or sorry would erase such an incident dahil sa panahon ngayon, kinatatandaan na lang ng mga tao ang mga maiskandalong ganap, sekswal man iyan o gaya ng ginawa ni Terence sa FIBA game nila.

Isang bagay na for sure ay hindi niya ikaka-proud pagdating ng araw, paulit-ulit man niyang rebyuhin ang video na puro takbo lang naman ang eksena niya!

***

Tiyak namang over the days ay mas magla-last ang mabuting impression sa ginawa ni Troy Rike, ang Gilas cadet player na nagawang protektahan ang nakabulagta at pilit na gustong bugbugin na Australian Boomer.

Binigyan pa ito ng incentive ng isang patro­n ng team na agad naman niyang ini-split sa dalawang charity institutions ng Australia at Pilipinas.

Hating-hati nga ang mga opinyon at damdamin ng mga Pinoy sa pangyayari. Kahit sa mundo ng showbiz at politika ay magkaiba ang mga saloobin nila.

Pero lahat ay nagkakaisa na maging ready ang GILAS sa anumang kaparusahan o sanction na ipapataw very soon ng FIBA.

Kahit ang PBA kung saan naglalaro ang lahat ng mga sangkot sa maiskandalong ‘basketbrawl’ ay nasa balag ng alanganin sakali mang umabot sa liga nila ang parusa.

“Apela kami kung sakali mang gawin nila yun (ang mag-sit out for a certain period of time ang mga player involved),” ang bukod tanging sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial.