Una sa Balita

Ekonomiya tutukan sa SONA

By
0 2,119

INUDYUKAN ni Senador Win Gatcha­lian si ­Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang ekonomiya partikular ang nais ng taumbayan na ma­ging stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

“I hope President Duterte will outline in detail the government’s concrete plan-of-action to shield poor Fi­lipino families from the rising prices of basic commodities, especially food,” saad ni Gatcha­lian.

Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat nang magpatupad ng mga hakbangin upang labanan ang epekto ng tumataas na inflation.
Ipinaliwanag ng senador na malaking ba­hagi ng mataas na inflation ay dahil sa mataas na presyo ng mga pagkain dahil mas mala­king bahagi ng income ng taumbayan ay inilalaan sa pagkain.

Mahalagang ma­ging bahagi aniya ng SONA ang mga hakbangin kung paano matitiyak na magkakaroon ng pagkain sa lamesa ang mahihirap na pamilya.

Nais nitong mari­nig sa SONA ang updates sa pagpapatupad ng unconditional cash transfer (UCT) program para sa 10 mil­yong mahihirap na pamilya matapos itong ma-delay nang ilang buwan.