Una sa Balita

Ekonomiya tinamaan sa Martial Law – survey

By
0 18

Bagama’t ‘neutral’ ang classification ng Social Weather Station (SWS) sa sintemyento ng publiko sa epekto ng Martial Law sa ekonomiya – mas malapit umano  ito sa ‘negative’ base sa pinakahuling survey ng ahensya.

Ang survey ay isinagawa noong Hunyo 23 hanggang 26, kung saan lumabas sa 43 porsiyento ng 1,200 respondents ay hindi umasa ng anumang pagbabago sa ekonomiya dahil sa umiiral na batas militar sa Mindanao.

Nasa 33 porsiyento ang nagsabing malulugmok ang ekonomiya at 24 porsiyento naman ang umaasang makaka-ahon ang ekonomiya ng bansa.

“The difference between the percentage of Filipinos who said the economy will get worse and those who said it will improve yielded a -9 national balance of opinion, which is “on the lower borderline of what SWS classifies as ‘Neutral’,” ayon sa SWS.

Ayon pa sa SWS ang balanseng opinyon sa Balance Luzon ay nasa net negative (-) 14 na may 36 percent ng respondents ang umaasang lalong sasama ang ekonomiya habang 22 porsiyento ang nagsasabing bubuti.

Sa Visayas naman ang balance ng opinyon ay net negative (-) 13,  na may 37 percent ang nagsasabing ang ekonomiya ay hindi bubuti habang 24 percent ang nagsabing bubuti ang ekonomiya.

“The double-digit negative balances are classified as moderately unfavorable,” ayon pa sa SWS.

Ang ‘balance of opinion’ naman sa Mindanao ay zero na may 27 porsiyentong respondents ay umaasang bubuti ang ekonomiya at 27 ang nagsasabing lalala.

Sa National Capital Region (NCR), 29 percent ng respondents ang nagsasabing ang ekonomiya ay huhusay habang 23 ang kumukontra o nagsasabing sasama na may balance of opinion na net negative (-) 7.