Una sa Balita

Ekonomiya ng ‘Pinas ‘di malulumpo sa coronavirus

0 359

GINAWANG positibo ng Fitch Ratings ang outlook nito sa Pilipinas kahapon mula sa stable sa pag-asang ipagpapatuloy nito ang tinatawag nitong ‘sound macroeconomic policy framework’ kahit na may kinakaharap na problema sa 2019 novel coronavirus.

Sabi ng Fitch Ratings, ang polisiya ang susuporta sa mabilis na paglago ng ekonomiya at aalalay sa pagbilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Inaasahan ng Fitch Ratings na ipagpapatuloy ang tinatawag na fiscal reforms tulad ng pagtaas ng buwis noong 2018 at 2019 na nagseseguro sa mga foreign creditor ng Pilipinas na sila ay mababayaran. Tinaas ng administrasyong Duterte ang buwis sa sigarilyo at alak noong 2019 at nagpataw naman ito ng excise taxes sa krudo noong 2018 na nagpamahal sa presyo nito ngunit nagdagdag naman sa nakolektang buwis ng pamahalaan.

Nagbabala ang Fitch Ratings na maaaring magkaapekto ang coronavirus outbreak sa ekonomiya ng Pilipinas ngunit sinabi nitong hindi kasinglaki ang tama nito kumpara sa iba pang bansa sa rehiyon dahil maliit lang ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa Fitch Ratings, wala pang 3% ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More