Una sa Balita

Ekonomiya ng ‘Pinas bumagal

0 240

BUMAGAL ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 5.5% nitong 2nd quarter ng taong ito sa kabila ng masigasig na pagsulong sa Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

Sinisi ni National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia sa pagkakaantala ng pagsasabatas ng national budget na pinalala pa ng election ban na nagbabawal sa anumang sangay ng pamahalaan na pumasok sa kontrata ilang linggo bago idinaos ang eleksyon.

“The weak economic performance during the second quarter of 2019 is the continuing effect of that delay in the passage of the 2019 budget coupled with the election ban,” sabi ni Pernia.

Dagdag pa niya, napaghandaan nila ang epekto ng election sa public works at iba pang proyekto bago mag election kaya minadali nila ang pag-award ng karamihan dito noong 2018 pero hindi nila natantiya na mahuhuli ang pagsasabatas ng 2019 national budget dahil sa alitan nina dating congressman Rolando Andaya at dating budget secretary na ngayon ay Bangko Sentral governor na si Benjamin Diokno.

“As we have anticipated, these have been challenging times. The past year, we had anticipated the major ones that we thought would impact our econo­mic performance,” sabi ni Pernia.

Bukod sa election ban, sinisi din ni Pernia ang El Niño phenomenon sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya pati na ang pagtatanggol ng mga mayayamang bansa sa kanilang mga industriya na nagpahina ng exports ng Pilipinas.

Sabi ng lead economist ng Bank of Philippine Islands na si Emilio Neri Jr., kakaiba ang second quarter ng taong ito dahil ngayon lang nangyari na nagkadaos ng halalan na hindi sumipa ang ekonomiya.

“2019 may go down in history as one of the worst 1st semester growth slowdowns in an election year as both fiscal & monetary policy were contractionary as shown by underspending and massive slowdown in domestic liquidity growth,” sabi ni Neri. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy