Una sa Balita

EJK, population control

By
0 141

Itinuturing ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na isang “population control” ang laganap na patayan sa nakalipas na isang taong panunungkulan ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Cruz, base sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) mula nang magsimula ang Oplan Tokhang noong Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 20, 2017, mahigit na sa 63,900 ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad kung saan 3,200 katao ang namatay matapos manlaban umano sa mga pulis at nasa 3,560 naman ang kaso ng death under investigation o sinasabing extrajudicial killings o EJK.

“Naging mura ang buhay, 24/7 may patayan, mula umaga hanggang gabi ay tuloy ang patayan. Kaya nagbiro ako, palagay ko masamang biro, nasabi kong itong mga namamatay na marami, minsan ilalagay sa supot, ilalagay sa maleta at itatapon sa bangketa. Maganda ito pang-control ng population, samakatuwid population control means po ito,” pahayag ni Cruz.

Binigyan-diin ni Cruz na hindi dapat minamaliit kundi binibigyan ng mas mataas na paggalang ang buhay na biyaya ng Panginoon sa tao. May karapatan aniyang mabuhay ang bawat tao na hindi dapat alisin ng sino man.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy