Una sa Balita

Ejay humamig ng papuri sa K-drama

Sinaluduhan nina Coco, Enchong, mga fan

By
0 410

Puro positive feedback ang natanggap ng guesting ni Ejay Falcon, gayundin naman ni Lauren Young sa K-drama na “Where Stars Land.” Ipinalabas ang 4th episode kunsaan napanood silang dalawa noong Monday.

Given na ang pagka-fanatic ng mga Pinoy sa K-drama kaya ang daming nakapanood. Ni-repost ni Ejay ang ilang post ng netizen na nagku-congratulate sa kanya at iisa ang sinasabi, proud na proud sila sa Kapamilya actor na naka-penetrate sa Korean drama at naka-deliver ng magandang performance.

Aba, halos iisa rin ang comment, naiyak daw sila sa mga scenes ni Ejay. OFW kasi ito na dahil hindi pa ayos ang papers, na-hold sa Incheon airport at hindi mapuntahan ang asawa, played by Lauren na nanganak.

Ang daming kuwento ni Ejay nu’ng makausap namin. Kung paano bumilib talaga siya sa kung paano mag-trabaho ang mga Korean. Na walang oras na nasasayang at pagdating sa set, in-character na talaga. Na kahit daw sumigaw na ng cut sa scene, hindi pa rin bibitiw sa character nila.

Somehow, nandun ‘yung wish niya nga­yon na sana raw, ma-adapt din sa bansa ang nature ng work ng mga Korean.

Ilan sa mga nag-post ng paghanga at kasiyahan kay Ejay ay sina Coco Martin na ang sabi, “Super proud ako sa yo Tol sobra!!!”

Gayundin sina Angelika dela Cruz at Jessy Mendiola, Joross Gamboa na nag-congratulate nang i-post ni Ejay sa Instagram niya ang ilang video clips ng scenes niya. At si Enchong Dee na proud na proud kay Ejay.

Sabi nga niya, “I’m proud of you @ejaythefalcon you deserve this and you did very well in representing our country.”

Sa caption ni Ejay, nagpasalamat ito at sinabing isa ito sa oportunidad na duma­ting sa kanya na ni hindi niya naisip na mangyayari noon.

Aniya, “Never ko naisip na magiging parte ako ng isang Korean drama kasama ang sikat na Korean stars. Thank you sa lahat ng positive comments nyo at thank you sa mga tao na tumulong para mangyari to.

“Hindi ko makakalimutan ang experience na ito at masaya ako na kahit papaano ay nadala namin ni Lauren ang ating bansa sa international TV. Thank you Lord sa napakagandang opportunity na ito.”