Una sa Balita

Ejay Falcon, Lauren Young bibida sa Korean drama

By
0 921
 
Ang ganda ng mga nangyayari talaga sa career ngayon ni Ejay Falcon. Pagkatapos ng halos sunod-sunod niyang  proyekto mapatelebisyon at pelikula, heto’t isang rare opportunity naman ang dumating sa kanya.
 
Kasalukuyang nasa Seoul, South Korea ngayon ang Kapamilya star  para lumabas sa bagong Korean drama ng SBS network, na ang title ay “Where Stars Land”.
 
Ang alam namin, bukod kay Ejay, kasama rin ang Kapuso star na si Lauren Young. Silang dalawa ang na-tap para lumabas sa bagong drama na ito na kung tama ang alam namin, ito ang may original title na Incheon Airport na ang balita noong una na kino-konsider ng SBS para maging bida ay ang mga South Korean actor/actress na sina Park Bo Gum at Bae Suzy.
 
Noong Biyernes umalis si Ejay papuntang Seoul at pagdating na pagdating nga raw ng mga ito ay taping na agad.  Hindi pa namin nakukuha ang kumpletong detalye, pero ang makakasama nilang South Korean star ay si Um Ki-joon ng “I Am Not a Robot”.
 
Excited kaming marinig ang mga kuwento ni Ejay sa pagtatrabaho niya sa Korean drama production at gayundin ang mga co-star niya na Korean stars.
***
 

Marian buntis kaya palaging naka-flat shoes? 

 
Grabe ang buzz ng mga fan tungkol sa diumano’y tingin nila, “preggy” o buntis na nga ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Siyempre, it’s a happy and positive hindi lamang sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian kung hindi ganu’n din sa kanilang mga fan.
 
Sabi nga sa isang comment, “Ang ganda kaya ng lahi nila!” Sey naman ng isa, “Sana baby boy na!”
At ang nabasa naman namin na isa pang comment, “100% buntis na si Queen!”
Ang pinagbabasehan ng mga fan sa pagsasa­bing buntis na si Marian sa ikalawang anak nila ni Dingdong at magiging kapatid ni Zia ay ang isang larawan ni Marian sa isang event na obvious daw na may baby bump na ito.  Eh, wala naman daw puson o bilbil si Marian kaya paano magiging recognizable ang baby bump nito.
Ilan pa sa point of justification nila na buntis na raw si Marian, ‘yung naging sagot niya nang tanungin namin ito na may nagpapatanong na fan kung preggy na raw ba siya nang, “very soon.”
Iba rin daw ang aura ni Marian. Nakita na raw nila ang ganu’ng aura ni Marian nu’ng ipagbuntis din nito si Zia. At naka-flat shoes lang si Marian nang umattend ng presscon ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sa October 7.